Manny Pacquiao the peacemaker, the ambassador of President Gloria Macapagal Arroyo in the peace process, peace negotiation in Mindanao, although that he is a good boxer, does not qualify to be a peace negotiator in Mindanao conflict.
Eid Cabalu of Moro Islamic Liberation Front (MILF) said: although we believe he is a good boxer, he does not possess enough knowledge in the Mindanao conflict.
Iba nga naman ang boksing kaysa sa gyera, hehehe. Tama nga naman ang MILF dyan.
Magaling na boksingero si Manny Pacquiao, pero kaya nga ba niya ang peace negotiation? Ang dapat, mag-concentate na lang siya sa boxing, at siguro dapat iwasan niya na magamit ng mga pulitiko sa kanilang political agenda at political propaganda. Ipaubaya na lang ni Idol sa mga taong may maraming alam sa history ng Mindanao conflict ang pakikipag-usap tungkol sa gyera sa Mindanao.
Totoo na kailangan natin ng kapayapaan sa Mindanao para umunlad ang lugar na iyon. Pero kailangan na may malalim na pagkaunawa sa kasaysayan ng Mindanao ang kalahok sa peace negotiation sa mga Moro.
Ang mga Moro, bago pa dumating ang mga Kastila ay may sarili ng sistema ng gobyerno at sistemang panlipunan. Di naman sila natalo ng mga Spanish Conquiztadores.
Nang dumating ang mananakop na Amerikano, nakipaglaban sila (ang mga Moro) ng pukpukan sa mga Kano. Naimbento nga tuloy ng mga Yankees ang caliber 45, dahil sa nahirapan silang sumagupa sa mga Moro na kahit na nabaril na nila ay nakakalapit at natataga pa ang mga sunadalong Amerikano ng mga matatalim na kris (itak ng Moro). Kaya kinailangan nila ang mas malakas na pistol na may malakas na stopping power.
Kaya kung sisilipin sa kasaysayan, sila ang may karapatan sa Mindanao. Kaya lang sa kasalukuyan na may may malaking bilang na ng hindi Moro sa Mindanao (galing sa Luzon at Visayas) naging minority na sila. Kaya kailangan na pag-aralan ang kung ano ang tamang state policy sa Mindanao.
Dalawang option, secession (independent nation na hiwalay na sa Pilipinas) or autonomy (autonomous nation na kabahagi pa sa bansang Pilipinas).
Alin ang mas tama?
Kung sa boksing, knockout lang ang kailangan panalo na. Sa peace negotiation kumplikado, kasi pinag-uusapan ang maraming tao, kulura, teritoryo, natural resources, etc.
Sa palagay ko di uubra si Manny Pacquiao as peace maker sa Mindanao.
Tuesday, August 18, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment