Sunday, August 23, 2009

Pacman for congressman?

Si Pacman kakandidato for congressman.

Naghahanda na ang mga pulitiko at nagnanais na maging pulitiko para sa eleksyon sa 2010. Naggigirian na ang mga manok panabong sa malaking derby sa Mayo 2010. Ang eleksyon sa Pilipinas ay isang malakasang pintakasi.

Oo nga pala nagbuo na ng partylist pati mga sabungero. Talagang malaking sabungan ang eleksyon sa Pilipinas. Pati mga sabungero naging marginalised sector at gustong maupo sa kongreso? Ano ba ito? E ang dami ng mga kongresman na sabungero sa loob ng kongreso gusto pang dagdagan.

Ano naman kaya ang mga ipaglalabang isyu ng mga sabungero? Pababain ang halaga ng manok na panabong? Pababain ang mga patuka, gamot, upa sa sabungan, atbp?

Si Idol Manny Pacquiao inuulot na tumakbo sa kongreso at ang gamitin daw ay partylist dahil mahirap gibain ang pader ng mga Chongbian sa Sarangani province. Si Manny ay taga Gensan, ang asawa nya na si Jinky ay taga Sarangani.

Noong nakaraang eleksyon, tumakbo si Manny pero nilampaso ni Darlene Custodio, ang cute at matapang na congresswoman ng Gensan. Mas gusto ng mga taga Gensan ang cute kaysa sa sikat na boksingero. Kaya sa Sarangani tatakbo si Manny at babangga sa mga Chongbian.

Awatin natin si Pacman. Mauubos lang ang pera niya sa pulitika. Okey na yung boksing, pag-artista at singer. Wag na siyang pumasok sa pulitika. Baka tumapon ang kinita niyang pera. at makinabang ang mga nagtutulak sa kaniya na pumasok sa pulitika. Sabi nga, kung galit ka sa isang tao, itulak mo na pumasok sa pulitika.

Mag-isip isip ka naman Pacman.

No comments: