October 31, 2009 ang Comelec registration deadline, ng pagpaparehistro, ng mga di pa nakarehistro, 18 years old pataas. Kaya mga kapatid, magparehistro na ang mga di pa nakarehistro at nagnanais na ma-exercise ang kanilang karapatan na maghalal at mahalal sa darating na eleksyon sa Mayo 2010.
Kailangan lang ng ID at birth certificate na ipepresenta sa opisina ng Comelec sa inyong syudad o bayan.
Kayo din, pag di kayo nakarehistro di kayo makakaboto para sa mga gusto niyo na magpatakbo ng ating gobyerno. At pag nanalo ang mga ayaw niyo, baka magsisi kayo.
Tsaka baka kumandidato si Pacman di niyo maboto... hehehe. LOL!
Kaya register na, mga kabayan. Iwasan ang ang magkumahog sa last day. Iwaksi na ang ugaling bukas na lang o manana habit, (mamaya na) at beating the red light!
Huwag na nating hintayin ang Comelec Registration deadline sa October 31, 2009 at tila wala ng extension ito.
Duon sa mga ayaw magparehistro, nagsasawa na ba kayo sa mga bulok na pulitiko na nagpapatakbo ng ating gobyerno? Kung ayaw mo na ng eleksyon, ano ang gusto mo? Tanong lang po.
Tuesday, October 27, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment